Here's what you said

I have just read Ping's speech in your Tuesday column. I missed the ANC telecast as Las Pinas Cable, my cable provider, does not carry ANC. The speech once again justifies my admiration of Ping and my belief that he should continue to try to provide the example of best behaviour for our politicians especially the younger ones who potentially will lead our country in the next decade or so. Q.R.
 
Magandang araw po sa inyo! Hindi na po ako magpapaliguy-ligoy pa Sir pero sobra po akong nalungkot sa biglang pag-atras ni Senator Lacson sa posibleng pagtakbo niya bilang pangulo ng Pilipinas. Hindi ko pa nga po yata matanggap hanggang sa ngayon kasi po naniniwala ako na siya lang ang kaisa-isahang lider ng bansa na may konkretong plataporma sa pagsugpo sa ugat ng lahat ng problema ng ating bansa - ang corruption. Simula po nang maging PNP Chief si Senador Lacson, naging instant supporter nya po ako dahil sa ginawa nyang pagpapatino sa PNP na noon ay isa sa may pinakamasamang imahe na departamento ng gobyerno. Kung hindi po ako nagkakamali, bigla ang pagtaas ng positive rating ng PNP noong kapanahunan nya. Ang daming nasuspinde, natanggal sa trabaho, nakasuhan, nakulong na mga kotong cops at abusadong mga pulis. (Sana po meron tayong statistics na makapagpapatunay na talagang tumaas ang satisfaction rating ng PNP that time pero sure po ako kasi nabasa ko sa dyaryo (noon). Lalo na po akong bumilib sa kanya noong tanggihan nya ang pork barrel nang manalo siyang senador. Sino po ba ang senador, noon man o ngayon, ang nakagawa ng ganitong klaseng sakripisyo para lamang magsilbing ehemplo ng ipinaglalaban niyang advocacy against corruption? Sa loob ng walong taon, hindi siya tumanggap ng pork barrel; isang kahanga-hangang gawain ng isang huwarang public servant. At noon nga pong 2004 presidential elections, sabihin na nila gusto nilang sabihin pero sa ganang akin po, TAMA ang ginawang pagtakbo ni Senador Lacson kahit pa mas malakas sa survey si FPJ. Inapi nila si Senador Lacson nang basta-basta na lamang piliin si FPJ bilang standard-bearer ng oposisyon kahit na nakiusap si Senador Lacson ng isang patas na party convention kung saan handa siyang magpasakop sa kahahantungan ng nasabing demokratikong paraan ng pagpili. Noong mga oras na iyon, PRINSIPYO na ang ipinaglaban ni Senador Lacson. At tandaan din po sana natin na tumakbo man o hindi si Senador Lacson, kung talagang gugustuhing mandaya ni Arroyo ay magagawa niya lalo pa at hindi naging mapagmatyag ang mga "big-time" sa likod ng kampanya ni FPJ. Nanghihinayang po ako sa pag-atras niya pero nananatili po ang suporta ko sa kanya sa lahat ng kanyang plano. Alam ko po na anuman ang maging posisyon niya sa gobyerno o kahit maging isang ordinaryong mamamayan nn lamang siya, tuloy pa din ang pangunguna niya sa paglaban sa corruption. Isa pa po, sana naman ay hindi ipagkait sa amin ni Senador Lacson na masuportahan siya bilang pangalawang pangulo sa darating na eleksiyon. Kung sino man po ang suportahan niyang kandidato sa pagkapangulo ay siya ko rin pong susuportahan. Naniniwala po ako na hindi naman kami isusubo ni Senador Lacson sa pagsuporta sa hindi matinong kandidato. Sigurado na sinuman ang suportahan niya ay may katulad na paniniwala at plataporma gaya ng sa kanya. Naniniwala po ako na napakarami namin na tahimik na nakasuporta sa kanya; mga taong naniniwala sa kanya na hindi kailangang bayaran o pangakuan ng kahit na anong pabor. Sana po ay maipaabot ninyo kay Senador Lacson ang laman ng aking munting liham na ito. At hayaan naman po niya na sa kinakaharap niyang panggigipit ngayon sa kamay ng mga buwaya ng Malakanyang, kami naman ang magsabi sa kanya ng "BE NOT AFRAID" for "THE TRUTH SHALL PREVAIL IN THE END." Lubos pong gumagalang, Erik Marasigan
 
I was saddened upon hearing that Senator Ping Lacson has decided to quit the Presidential race. Many of us would have supported him but there are things we have to accept. One cannot run without the necessary logistics. I have been following your column for a long time now and I believe that you also support his bid for the Presidency. We will continue supporting him in whatever endeavors he wants to pursue. It is not only the Presidency that he can help the Philippines. More power to you. Bert
 
It takes courage to stand alone Senator. Sir, keep up the good work, Mabuhay po kayo! - Maylene
 
Suporta ako kay Ping nang tumakbo siyang senador, suporta ako nang tumakbo siyang Pangulo ng Pilipinas. Suporta pa rin ako sa kanya hanggang ngayon. Mabuhay ang Pilipinas! - Bing Cruz
 
 

Send your SMS

Please continue sending your text messages

 

SMS/MMS: + 63 917 510 PING
                                               (7464)

 

We look forward to hearing more from you.